Accordly

Pagbabalik

Asin

Pagbabalik

sa gitna ng dilim ako ay nakatanaw ng ilaw na kay panglaw, halos di ko makita tulungan mo ako, ituro ang daan sapagkat ako'y sabik sa aking pinagmulan CHORUS: bayan ko, nahan ka, ako ngayo'y nag-iisa nais kong magbalik sa iyo, bayan ko patawarin mo ako kung ako'y nagkamali sa landas na aking tinahak REPEAT sa pagsibol ng araw hanggang dapit- hapon malamig na hangin ang aking kayakap huwag sanang hadlangan ang aking nilalandas sapagkat ako'y sabik sa aking sinilagan (REPEAT CHORUS) CODA: patawarin mo ako kung ako'y nagkamali sa landas na aking tinahak