Accordly

Awit Ng Paghahangad

Христианские песни

Awit Ng Paghahangad

Verse 1: О D'yos,Ikaw ang laging hanap. Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad. Nauuhaw akong parang tigang na lupa sa tubig ng 'Yong pag-aaruga. Verse 2: Ika'y pagmamasdan sa dakong banal, nang makita ko ang 'Yong pagkarangal. Dadalangin akong nakataas aking kamay, Magagalak na aawit ng papuring iaalay. Chorus: Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay Pagkat ang tulong Mo sa t'wina'y taglay. Sa lilim ng Iyong mga pakpak, Umaawit akong buong galak. Verse 3: Aking kaluluwa'y kumakapit Sa 'Yo. Kaligtasa'y t'yak kung hawak Mo ako. Magdiriwang ang Hari, ang D'yos S'yang dahilan, ang sa Iyo ay nangako galak yaong makakamtan. Chorus: Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay Pagkat ang tulong Mo sa t'wina'y taglay. Sa lilim ng Iyong mga pakpak, Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak.