Masiglang umawit
Musikatha
Masiglang umawit
TALATA:
Masiglang umawit sa saliw ng tugtugan
Umindak, sumayaw, at tayo’y maglundagan
Siya’y sambahin nang buong kalakasan
Ating isigaw ang Kanyang kabutihan
(Ulitin)
KORO:
Sa lahat ng oras
Siya’y maasahan
Ang pag-ibig Niya ay laging nananahan
Mga puso natin ay pinupuno ng kaligayahan
Kaya’t dapat ipagdiwang ang Kanyang kabutihan